COVID-19 cases sa Pilipinas, tuloy-tuloy na ang pagbaba; 16 na LGU sa NCR, nasa low risk na

by Radyo La Verdad | February 23, 2022 (Wednesday) | 9180

METRO MANILA – Hindi na umaabot sa 1,000 kaso kada araw ang naitatala sa mga rehiyon sa bansa kaya naman nananatiling nasa low-risk classification ang Pilipinas.

Hinihintay na lang din ng Department of Health (DOH) na bumaba sa 3 digits ang maitatalang kaso kada araw sa buong bansa bago tuluyang bumalik sa very low risk ang Pilipinas. Ito ang sitwasyon bago nanalasa ang Omicron variant of concern.

Kahapon (February 22) nakapagtala na lang ng 1,019 cases, 2,988 na gumaling at 13 nasawi bukod sa NCR, maging ang mga nasa labas ng rehiyon ay pababa na rin ang kaso.

Ang severe at COVID-19 cases sa mga ospital, mahigit 10% na lang din. Mas madami pa ang asymptomatic cases na nasa 16.24%., mild cases na 31.28% at 36.29% na moderate cases.

Sa ulat ng Octa Reseacrh Team, ang Makati City na lang sa NCR ang nasa moderate risk.
Ipinaliwanag naman ng DOH na bagaman tumaas ang kaso sa bansa dahil sa Omicron variant of concern, hindi naman ito masyadong nagdulot ng malalang epekto sa kalusugan ng mga tinamaan nito.

Mula sa 629 cases per day noong December 30, tumaas ito ng 180% at umabot sa 34,903 na kaso noong Jan. 18.

Bukod sa hindi masyadong mabagsik ang Omicron kumpara sa Delta variant of concern, ang malawak na pagbabakuna sa NCR at iba pang rehiyon na mataas ang vaccination coverage ang pangunahing dahilan kaya mild lang ang epekto ng Omicron sa mga nag-positibo dito.

Kaya paanyaya ng DOH, tapusin ang primary series at kunin ang booster dose bilang dagdag proteksyon laban sa malalang epekto ng COVID-19

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: , ,