COVID-19 cases sa Pilipinas, mahigit 50,000

by Erika Endraca | July 9, 2020 (Thursday) | 1831

METRO MANILA – Mula sa 47, 873 nitong Martes (July 7)  biglang umakyat sa 50, 359 ang COVID-19 confirmed cases sa Pilipinas batay sa ulat ng Department Of Health kagabi (July 9).

Paliwanang ng DOH, naantala ng 5 oras ang pag- uulat ng daily case bulletin kahapon dahil sa dami ng bina- validate na kaso .

Nagdagdag na rin ng encoders ang DOH upang makita ang tunay na bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

53 rin naman ang tinanggal na duplicate sa total case count.

2, 539 ang additional cases kahapon na itinuturing na highest- single day rise na.

1,922 dito ang fresh cases at 617 ang late cases kung saan pinakamaraming naitala sa Metro Manila.

Sa kabilang banda, 12, 588 na ang COVID-19 survivors samantalang ang death toll ay 1, 314

Sa limang death cases na naitala kahapon (July 8), 2 lang dito ang ngayong buwan ng Hulyo nasawi

Samantala, kahapon (July 8) ibinalita na aprubado na ng g Inter- Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases ang pagsali ng Pilipinas sa clinical trial ng mga bakuna para sa COVID-19

Ito ay magiging collaboration sa bansang China at Taiwan

Inaayos na ng bansa ang mga kaukulang dokumento para sa trials

Bukod dito noong Hunyo inanunsyo ng DOH na may intensyon ang Pilipinas na sumama sa solidarity trial ng who sa pagtuklas ng bakuna kontra COVID-19.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: