METRO MANILA – Bahagyang tumaas ang bilang ng mga nag-positibo sa COVID-19 sa Metro Manila.
14 sa 17 lungsod sa rehiyon ang may bahagyang pagtaas ng COVID-19 cases at umakyat sa 1.6% ang posivity rate sa NCR.
Nguni’t ipinaliwang ng Department of Health (DOH) na hindi naman ito tuloy-tuloy.
Kasama sa nakikitang dahilan nito ang presensya ng mas nakahahawang Omicron subvariants na BA.2.12.1, BA.4 at BA.5 sa Pilipinas. At ang paghina ng bisa ng bakuna.
Sa isang pahayag sinabi rin ng DOH na nananatiling nasa Alert Level 1 ang Quezon City at nasa “Yelow Status” ito para sa heightened monitoring.
Ibig sabihin may posibilidad na magkaroon ng surge sa susunod na 14 na araw.
Kinumpirma din ng DOH ang laman ng nag-leak na litrato na nagpapakitang nasa yellow status ang Quezon City na mula sa isang internal meeting.
Pinapa-alalalahan ang lahat na mag- doble ingat pa rin at huwag pakakampante kahit na nananatiling nasa low risk ang buong bansa.
Binigyang diin ni DOH Usec Maria Rosario Vergeire na mahalaga pa rin ang pagsusuot ng face mask dahil may pandemya pa rin.
(Aiko Miguel | UNTV News)