Covid-19 cases sa bansa, lumagpas na sa peak ng kaso noong nakaraang taon

by Erika Endraca | March 25, 2021 (Thursday) | 2970

METRO MANILA – Makikta sa trend ng Covid-19 cases sa Pilipinas na kung noong Enero mahigit 1,000 kaso lang ang naitatala.

Nitong March 14-20, 2021 ang average Covid-19 cases sa bansa kada araw ay nasa 5, 644 na

Ayon kay Dr Althea De Guzman ng DOH Epidemiology Bureau lumagpas na tayo sa peak o dami ng kaso noong nakaraang taon.

Nananatiling ang ncr ang epicenter ng Covid-19 infection sa Pilipinas

Pumapangalawa naman aniya ang Region 4 o Calabrazon sa may pinakamaraming kaso

“Ang NCR lumaki siya by 21% across 1 week, Calabarzon po by 19%. Ito ay aligned noh or consistent siya sa nakikta nating pagtaas ng dami ng mga kaso sa mga lugar na ito” ani Dr Althea De Guzman ng DOH Epidemiology Bureau.

moderate, severe at critical cases ng Covid-19.

Ayon sa DOH, may reserba pa sa healthcare utilization rate sa ibang mga rehiyon nguni’t sa NCR ay nasa high risk level na o nasa 70- 85% na ang okupado sa healthcare utilization rate.

“The healthcare utilization rate would be that marami po syang components. Hindi lang po siya icu, meron tayong isolation, ward beds. Pag tiningnan natin sa kabuuan ang healthcare utilization natin, hindi pa sya pumapasok doon sa tinawatag natin na high risk. Because it is a cumulative number across all regions. Pero pag tiningnan natin specific for example ncr: nakikita na natin yung pagtaas ng utiization especially in our icu beds. “ ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.

Nag- umpisa na ring mag- ikot muli ang mga namumuno sa one hospital command upang tignan kung aling mga ospital pa ang kayang mag- accomodate ng mga pasyente.

May stratehiya rin aniyang ilipat ang mga asymptomatic at mild cases mula sa mga ospital papunta sa mga tinatawag temporary na treatment and monitoring facilities .

Magbubukas din ng mga bagong pasilidad ang dpwh sa loob ng dalawang linggo para ma -accomdate ang ibang pasyente.

Nagsasagawa na rin ang one hospial command ng auditing kung aling mga opistal ang nangangilangan ng workforce sa pag- expand ng bed capacity para sa Covid-19 patients.

Inaayos din ngayon ng DOH ang traffic kung saang mga ospital dadalhin ang mga pasyente maging sa labas ng NCR gaya ng govt. hospital sa region sa Jose B Lingad.

Samantala, 17 lungsod sa ncr ang may kaso ng Covid-19 variants

7 rehiyon kasama ang NCR ang may kaso ng B.1.1.7 variant na unang natuklsan sa United Kingdom.

Anim din na rehiyon kasama ang NCR ang may kaso na ng b.1.351 variant na unang natuklasan sa South Africa. 85% sa mga kaso ay mula sa mga internationl travellers.

Ayon sa DOH, pinag- aaralan pa ng who kung may community transmission na ng Covid-19 variants sa Pilipinas.

Ngunit sa ngayon ayon sa DOH, ang mga kaso ng Covid-19 variants ay may link sa mga lugar na pinuntahan ng mga ito.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: