COVID-19 boosters , posibleng maibigay na sa 12-17 years old ngayong linggong ito

by Radyo La Verdad | June 20, 2022 (Monday) | 2367

METRO MANILA – Hinihintay na lang na malagdaan ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III ang guidelines para sa pagbibigay ng COVID-19 booster shot sa mga edad 12 -17 anyos na mga Pilipino.

Kaya naman maaaring masimulan na ngayong linggo ang pagtuturok ng boosters sa naturang age group.

Ayon kay Health Spokesperson Usec Maria Rosario Vergeire, inamyendahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang Emergency Use Authorization (EUA) ng Pfizer noong June 14 upang maibigay ito sa mga menor de edad.

Oktubre nang nakaraang taon, nagsimulang magbakuna kontra COVID-19 sa mga 12-17 y/o

Batay sa ulat ng doh nitong june 13, 9.5 million na mga kabataan edad 12 to 17 years old ang nakatanggap ng first dose kontra COVID-19. Nasa 3.1 million naman ang fully vaccinated na.

Pero ayon sa DOH, 12 million ang kabilang sa naturang age bracket.

Nananatili namang hamon ang pagbibigay ng first booster dose sa adult population.

Nasa 14.6 million pa lang ang may booster dose sa halos 70 million na mga Pilipinong fully vaccinated na, maging may second booster dose aniya sa mga piling sektor sa bansa kakaunti pa rin

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: , ,