Covid-19 booster dose, maaaring ibigay sa mga buntis kahit kabuwanan na nito – POGS

by Radyo La Verdad | January 21, 2022 (Friday) | 4256

Karamihan ng mga nakaranas ng severe Covid-19 infection sa mga buntis ay mga walang bakuna batay sa mga lumalabas na pag- aaral.  

Sa pagtaya ng isa sa mga eskeperto sa Philippine Obstetrical and Gynecological Society, nasa walo sa sampung buntis na dinadala sa mga ospital ay infected ng Covid-19.  Kaya naman inirerekomenda ng mga ito na bilang dagdag proteksyon, kailangan ng mga buntis ng booster shot.

“Kung wala pa kayong primary vaccine magpabakuna na kayo espcially now na it’s very accessible na siya. Kung nakatapos na ng primary magpa-vaccine na mas lalo nang magpa- booster ngayon dahil sabi nga ni Sybil (Dr. Sybil Bravo, President, PIDSOG) nag-spread like wildfire itong omicron”, ani Dr. Carmela Madrigal-Dy, President, PSMFM/Member, POGS.

Gaya sa general population, ibinibigay din sa mga buntis ang booster dose tatlong buwan pagkatapos ng second dose.

Tiniyak naman ng mga doktor na maaaring ibigay ang booster kahit na kabuwanan na

dahil ligtas ang Covid-19 vaccines sa buntis at sa dinadala nitong bata.

“Pwede na nating ibigay at i- recommend ang Covid-19 vaccination. Ang booster shots po can be given now as early as 3 months from the second dose kahit po manganganak na siya ibigay pa rin po ang booster shot”, pahayag ni Dr. Sybil Bravo, President, PIDSOG.

Maaaring ibigay na primary series at booster sa mga buntis ang mga Covid-19 vaccines sa bansa na apubado ng Food and Drug Administration, maliban na lang sa Sputnik V ng Gamaleya Research Institute na hindi pwede sa mga nagdadalang tao batay na rin ito sa contraindication na isinumite ng vaccine manufacturer.

Kailangan lang din muna ng sapat na ebidensya bago ito pahintulutang magamit sa mga buntis .

“Due to lack of studies on the safety and efficacy, hindi pa po ito ni-recommend mismo ng Gamaleya company, nguni’t sa Russia itself due to lack of other vaccine brand, ang dami-dami po ng Russians, they have 400 million and ang dami ng buntis doon actually po ginagamit nila ang Gamaleya sa kanilang pregnant and lactating women kaya lang pa sa global market, sa global population, hindi pa po ito well-studied”, payahag ni Dr. Sybil Bravo, President, Philippine Infectious Disease Society in Obstetrics and Gynecology.

Mahigpit na bilin sa mga buntis, kapag nakaranas ng anomang sintomas lalo na kung may exposure sa isang positibo sa Covid-19, kaaagad na komunsulta sa kanilang obstetrician upang malaman kung ano ang dapat gawin at maaaring inumin na gamut.

Ang isa sa malinaw sa ngayon ay wala pang katiyakang ligtas na ibigay sa mga buntis ang mga Covid-19 anti-viral pills.

“Kung para sa Covid-19 lamang gaya ng sa monupiravir sa ngayon walang pag-aaral na safe ito sa buntis kahit na po iyong nag-release ng molnupiravir. Hindi siya inirerekomenda sa mga buntis, so huwag po tayong uminom ng basta-basta ng kahit anong gamot nang hinid po tayo nagko- konsulta”, Dr. Maria Julieta Germar, Chairperson, POGS Clinical Consensus Working Group.

Gaya ng sa general population, maaari na lamang magpa-booster shot ang isang buntis na Covid-19 survivor kapag nakatapos na ito ng isolation at wala na talagang kahit na anomang sintomas.

Ayon pa sa mga eksperto,  maaari pa rin  ituloy ang breastfeeding ng Covid-19 positive basta’t sinusunod ang safety at health protocols upang hindi mahawa ang anak dahil hindi naipapasa ang Covid-19 sa breastmilk.

“Kahit may Covid-19 infection pwede naman solang mag-breastfeed sa kanilang babies. kailangna gumamit sila ng precaution, mag-mask sila, iyong handwashing… Pwedeng magkasama ang mother iyong bagong panganak, iyong nagbe-breasfeed pwede pa rin niyang kasama ang baby niya”, ayon kay Dr. Carmela Madrigal-Dy, President, PSMFM/Member, POGS.

Aiko Miguel | UNTV News

Tags: ,