COVID-19 bed occupancy rate sa Maynila, bumaba sa 13%

by Radyo La Verdad | December 10, 2021 (Friday) | 4890

METRO MANILA – Bumaba ng 13% ang bed occupancy rate para sa COVID-19 patients ang lungsod ng Maynila. Naglalaman ng 65 occupied beds sa pang-anim na distrito ng lungsod simula noong December 7.

Ayon sa datos, bumaba ito ng 56% kumpara sa 23% na bed occupancy rate. May 116 occupied beds ang lungsod simula noong November 7. Ito ay ang mga ospital ng pang-anim na distrito; Ospital ng Maynila, Ospital ng Sampaloc, Jose Abad Santos General Hospital, Gat Andres, Ospital ng Tondo, at Sta. Ana Hospital.

Sa kasalukuyan, ang field hospital ng lungsod sa Quirino Grandstand ay may 2 occupied beds o 3% sa 344 available beds. Ito ay sumasalalim sa 25% pagbaba ng occupancy rate noong nakaraang buwan. May 14 na quarantine facilities na sa kasalukuyan ay may 0% occupancy rate.

Samantala, nagpapatuloy sa pagbabakuna ang lungsod ng Maynila alinsunod sa vaccination campaign ng gobyerno. Ipinagpapatuloy pa din ang vaccination drive sa mga accessible vacination sites sa loob ng komunidad.

Sa ngayon, may naitalang 2,919,399 doses of COVID-19 vaccine, kasama ang 1,399,246 used as second dose administered vaccination. May 164,743 mga minorde-edad na mula sa edad na 12 hanggang 17 with or without comorbidities ang nabakunahan kasama ang 57,884 na fully vaccinated.

(Myrveiña Natividad | La Verdad Correspondent)

Tags: ,