Naglabas ng writ of preliminary injunction ang Court of Appeals para pigilan ang Office of the Ombudsman, Department of Justice at Department of the Interior and Local Government sa pagpapatupad ng preventive suspension laban kay Makati Mayor Junjun Binay.
Ipinagutos din ng 6th Division ng CA na maglagak ng bond si Mayor Binay ng P500,000 at inatasan ang mga nabanggit na ahensya na galangin at panatilihin ang status quo bago isilbi ang suspension order.
Samakatuwid, inuutusan ng CA ang Ombudsman, DOJ at DILG na hayaang manatili sa pwesto si Binay habang gumugulong ang pagrerebyu sa kanyang kasong administratibo na isinampa laban sa kanya maging ang mga legal issues kaugnay sa kanyang suspension order.
Ipinagutos ng Ombudsman ang six-month preventive suspension laban sa alkalde at 21 iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Makati City kaugnay sa kasong administratibo sa umano’y overpriced MakatiCity Hall II Building.
Tags: Court of Appeals, DILG, DOJ, injunction order, Junjun Binay, Makati City Hall II Building, Ombudsman, suspension order