Cotobato City, bumoto ng YES para sa BOL

by Jeck Deocampo | January 23, 2019 (Wednesday) | 25062

COTOBATO CITY, Philippines – Agad na nagbunyi ang mga taong nagaabang sa labas ng Shariff Kabunsuan Cultural Complex kung saan ginanap ang city canvassing nang madinig ang proklamasyon ng nanalo sa plebisito ng Bangsamoro Organic Law sa Cotabato City.

Sa pinal na resulta na inilabas ng City Plebiscite Board of Canvassers, nakakuha ang ‘yes’ vote ng 36,682 at ‘no’ na may 24,994.

Umaasa naman ang mga residenteng sasakupin ng itatatag na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na hindi sila mabibigo sa ipinangakong pagbabago,

Makasaysayan ang ‘yes’ vote ng Cotabato City. Matatandaan na noong 1989 at 2001 na plebisito ay tumutol ito na isama ang siyudad sa autonomous region.

Matapos ang city canvassing, agad na ipadadala sa Intramuros, Maynila sa Comelec headquarters ang certificate of canvass at maging ng proclamation.

Kapag naisumite na ito sa poll body, agad na sisimulan naman ng Comelec ang national canvassing para sa paglalabas ng pinal na resulta ng plebisito para sa ratipikasyon ng BOL.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: , , ,