Contact Tracing App, inilunsad sa ilang business establishment upang mapabilis ang tracing efforts ng Pamahalaan

by Erika Endraca | September 4, 2020 (Friday) | 2624

METRO MANILA – Required sa mga establisyemento ang pagkuha ng health checklist ng mga kliyente o customer na pumupunta sa kanila alinsunod sa ipinatutupad na guidelines sa new normal operations.

Kailangan ng mga customers na mag fill-out ng form bago makapasok at makabili sa mga restaurants, fast food chains at ilang malls.

Madalas, nagdudulot ito ng mahabang pila at abala, kaya naman malaking tulong dito ang inilunsad na contact tracing application ng Inter-Agency Task Force – ang Stay Safe App.

Libre itong mada-download at hindi na kailangan ng mobile prepaid load .

Kukunan lamang ng isang user ang QR code na ipapaskil sa mga mall, bangko, restaurant at ilang pampublikong transportasyon at agad na makukuha ang profile o impormasyon nito.

Madali ring masasabihan ang isang user kapag nagkaroon ito ng close contact sa isang nagpositibo sa COVID-19.

“Imagine habang gamit gamit mo ang staysafe at naglalakad ka sa kalye, so sasabihin ng staysafe, uy may na detect ka 3 meters to 5 meters confirmed case. So mag iingat ka. Magso-social distancing ka. Ganun lang ka simple po.”ani Multisys Technologies Corp. CEO, \ Stay Safe Developer David Almirol Jr.

Meron din itong health condition reporting para mai report kung may karamdaman ka o ang miyembro ng pamilya

Pabor naman ang ilang kinatawan ng pribadong sektor sa paggamit ng stay safe app lalo na sa Metro Manila.

Maaari rin itong magamit ng mga Local Government Unit (LGU) para mapalakas ang contact tracing.

Ayon kay Contact Tracing Czar Mayong Benjamin Magalong, maaaring maintegrate ang Stay Safe App sa anomang contact tracing app na ginagamit ng mga LGU.

“Dahil alam po namin na marami na pong local government unit ang may kaniya-kaniya pong digital contact tracing application. Kaya hindi na po kailangan na mag back to zero sila.”ani Mayor Benjamin MagalongContact Tracing Czar.

Tiniyak naman ni Mayor Magalong na ligtas gamitin ang app at walang hidden surveillance system.

(Vincent Arboleda | UNTV News)

Tags: ,