Pinapayagan na ng Davao City ang pagsasagawa ng ilang sports activity matapos maisailalim sa Alert level 2 ang lungsod.
Ilan sa activities na pinapayagan ay ang basketball, volleyball, football at frisbee kaakibat ng mahigpit na pagsunod sa safety protocols.
Ayon kay Davao City Sports Division Head Mikey Aportadera, pinahintulutan ang sports activity na ito dahil ang mga larong ibabalik ay for exercise purposes only.
Aniya, hindi pa rin pinapayagan na magkaroon ng mga patimpalak o mga competition at dapat pa ring maging responsable sa pagsunod sa health protocol ang bawat residente ng lungsod.
Dagdag pa ni Aportadera, ang mga magbibigay ng mga suhestyon sa kung paano makapagsasagawa ng events na nasusunod ang minimum public health standard ay mapupunta sa Public Safety and Security Command Center at hihingan ng approval ang COVID-19 Task Force.
(Peter John Salvador | La Verdad Correspondent)