Consumer group, nagbabala sa publiko sa modus operandi ng mga umano’y nagbebenta sa internet

by Radyo La Verdad | December 29, 2017 (Friday) | 5401

Kailangang maging matalino kapag mamimili online, ito ang payo ni Laban Konsyumer President Vic Dimagiba. Kailangang tignang mabuti kung awtorisado ang online shop ng Department of Trade and Insdustry at huwag basta maakit sa mga discount at promotion.

Ayon naman kay Roselle Reig na isang financial at business consultant, may paraan para malaman kung lehitimo ang isang website na bibisitahin upang makipagtransaksyon. Kadalasan kapag vinerify, makikita sa taas na mayroong https, nangangahulugan ito na secured ang site.

Isa ang kaibigan ng UNTV News Anchor na si Darlene Basingan sa nabiktima ng hindi lehitimong online shop. Nagpabili ito ng isang item sa internet subalit laking gulat ng matanggap na niya ang package na walang nakalagay sa loob ng lalagyan nito.

Ayon kay Dimagiba, mayroon namang pwedeng takbuhan sakaling mabiktima ng mga modus operandi sa online shopping. Maaring dumulog sa tanggapan ng Department of Trade and Industry o DTI.

Para naman sa mga reklamo, maaari ring tumawag sa DTI Hotline Number ‎751-3330.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

Tags: , ,