Construction worker sa Maynila, patay matapos pagsasaksakin ng isang lalaki

by Radyo La Verdad | July 27, 2017 (Thursday) | 1354


Idineklarang dead on arrival sa ospital ang construction worker na si Eric de Mesa 47 anyos matapos itong pagsasaksakin sa Barcelona Street sa Barangay 35, bandang alas otso kagabi.

Kinilala ang suspek na si Romeo Constantino na kalalaya pa lang sa dalawang taong pagkakakulong dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga. Nakunan pa ng cctv camera sa lugar ang pananaksak ng suspek kay Eric at ang pag-alis nito sa crime scene na tila walang nangyari.

Nakalakad pa ang biktima pasakay ng isang nakaparadang pedicab na nagdala sa kaniya sa ospital.

Ayon kay barangay 35 kagawad Renato Calayag, iniwan umano ang suspek ng asawa nito at posibleng napagdiskitahan lamang si Eric.

Sa ngayon ay pinaghahanap ng mga pulis ang suspek.

(Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent)

Tags: , ,