Congestion sa Naga City District Jail, idinadaing ng ilang pinuno ng Bureau of Jail Management and Penology

by Radyo La Verdad | December 8, 2015 (Tuesday) | 3848

ALLAN_CONGESTION3
Tanging pagbibilad na lamang sa araw tuwing umaga ang ginawaga ng karamihang inmates sa Naga City District Jail para maibsan ang init na kanilang nararanasan sa tuwing sila ay nasa loob ng selda.

Maliban sa inmates, nagrereklamo na rin ang ilang pinuno ng Naga City District Jail dahil sa pagdami ng populasyon ng mga naka detine rito.

Ayon kay Jail Warden Jail Inspector Metz Milton Placencia, ang dapat sana ay 12 inmates lang ang nasa loob pero sa kanilang piitan ay umaabot ito sa 40, tatlong beses ang dami kaysa dapat sana’y regular na bilang ng isang selda.

Kung kaya’t napipilitan umano ang ilan sa mga preso na matulog na lamang sa paselyo.

Ang nagiging resulta, nagkakasakit umano ang ilan sa mga ito.

Dagdag pa ni Placencia kasalukuyang may itinatayo nang karagdagang dalawang selda para sa female inmates subalit di pa rin umano ito sapat para hindi mag-siksikan sa loob.

Maliban sa 4 milyong piso na budget na magmumula sa BJMP Regional Office na kanilang matatanggap ngayong 2016 bilang resulta sa ginawang national bidding, may mga short term solution na silang ginagawa para hindi na madagdagan pa ang bilang ng inmates.

Sa ngayon may 400 na inmates ang Naga City District Jail kabilang na ang 33 na mga babae habang 12 selda lamang ang nagagamit para sa mga ito.

(Allan Manansala/UNTV Correspondent)

Tags: , ,