Cong. Pantaleon “Bebot” Alvarez nahalal na bagong House Speaker ng 17th Congress

by Radyo La Verdad | July 26, 2016 (Tuesday) | 2803

BEBOT-ALVAREZ
Pormal na nagbukas ang 1st regular session ng 17th Congress.

285 na kongresista ang dumalo sa pagbubukas ng sesyon.

Mismong si outgoing Rep. Sonny Belmonte ang nag-nominate kay Congressman Pantaleon Alvarez bilang House Speaker.

Nakalaban niya sina Ifugao Rep. Teddy Baguilat at Quezon Rep Danilo Suarez.

Kabuuang 251 congresista ang bumuto kay Alvarez at 22 ang nag-abstain kabilang na dito ang bagong House Speaker.

Base sa bagong rules ng Kamara ang sinumang hindi bumoto sa House Speaker kasama ang mga nag-abstain ay otomatikong magiging minority leader.

Ngunit sa kabila ng nag-abstain si Alvarez ay hindi makukuwestiyon ang kaniyang panalo sa botohan.

Matapos na mahalal bilang Speaker of the House, sinabi ni Alvarez ang kahalagahan ng pagbibigay ng emergency power kay Pangulong Duterte upang maresolba ang problema sa trapiko.

Binanggit rin ni Alvarez ang pagsasabatas sa simplify taxation law, ang pagpaparusa sa mga employer lumalabag sa labor code at ang agarang pagsasabatas ng Freedom of Information Bill.

Itinalaga na rin ang limang bagong deputy speaker na sina Capiz Rep. Fred Castro, Batangas Rep. Raneo Abu, Negros Occidental Rep. Mercedes Alvarez, Ilocos Sur Rep. Eric Singson at Marikina Rep. Miro Quimbo.

Habang si Ilocos Norte Rep. Rudy Fariñas naman ang tatayo bilang House Majority Floor Leader.

Samantala, hindi pa naman naitatalaga kung sino ang magiging Minority Leader dahil base sa bagong rules.

Lahat ng hindi bumoto sa nanalong speaker ay magiging miyembro ng minorya kasama ang mga nag-abstain.

Sila ay muling magbobotohan kung sino kina Suarez at Baguilat ang kanilang pipiliing maging Minority Leader.

(Grace Casin/UNTV Radio)

Tags: , ,