Cong. Arturo Robes, itinanggi ang umanoy pagkakadawit nya sa PDAF scam

by Radyo La Verdad | September 7, 2015 (Monday) | 1101

grace_cong.manalo
Mariing pinasinungalingnan ni San Jose del Monte Bulacan lone district Cong. Arturo Robes ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa PDAF scam.

Ayon sa abogado ng kongresista na si Cong.Dennis Manalo sinisiraan lamang sya ng kanyang dating empleyado na si Bernadette Recalde na siyang nagpahayag ng umano’y pakikipag-ugnayan nya sa mga pekeng NGO.

Sinabi ng abogado na naalis sa trabaho si Recalde noong Dec. 23, 2011 dahil sa pamemeke sa pirma ng kongresista ay ngayon ay may kasong estafa at falsification of public documents.

Nakatakdang magsagawa ng priviledge speech mamaya sa kamara upang ipahayag ang kanyang panig.

Nakatakda naman aniyang harapin ng mambabatas ang complaint na inihain sa kanya sa Office of the Ombudsman.(Grace Casin/UNTV Correspondent)