Nagsagawa ang Philippine Law Enforcement Agencies kabilang ang Bureau of Customs o BOC, National Bureau of Investigation o NBI at Philippine National Police o PNP ng isang conference upang paigtingin ang paglaban sa smuggling ng mga pekeng produkto.
Ang workshop ay dinaluhan ng tatlumput pitong law enforcers mula sa BOC, NBI at PNP.
Itinuro sa workshop ang mga kaukulang aksyon laban sa trademark violators at ang pagkuha ng ebidensya upang kasuhan at mapapanagot ang mga lalabag sa anti-smuggling law.
Ang US Homeland Security Investigations ang nanguna sa conference katuwang ang fight illicit trade movement.
(UNTV RADIO)