Condolence ceremony, isinagawa para sa mga nasawi sa helicopter crash sa Pakistan

by Radyo La Verdad | May 12, 2015 (Tuesday) | 1614

map1

Isang condolence ceremony ang isinagawa sa Islamabad Pakistan nitong Lunes.

Dumalo sa seremonya si Pakistani Prime Minister Nawaz Sharif at ang kaanak ng mga biktima.

Ito ay bilang pakikiramay sa mga naulila ng mga diplomat na nasawi sa bumagsak na Pakistan military helicopter

Ang mga nasawi na sina Norwegian Ambassador to Pakistan Leif Larsen at Philippine Ambassador Domingo Lucenario, kasama ang maybahay ng Malaysian at Indonesian Ambassadors, dalawang piloto at isang crew ay nagsasagawa ng inspection sa isang tourism project nang mangyari ang insidente noong byernes

Samantala hinihiling ni Prime Minister Sharif sa Presidente ng Pakistan na igawad ang Civil Gallantry Award na “sitara-e-pakistan” sa mga biktima dahil sa kanilang pagkasawi sa oras ng pagganap sa kanilang tungkulin.

Tags: ,