Concom, uumpisahan na ngayong araw ang mga public consultation kaugnay ng panukalang pagbabago sa konstitusyon

by Radyo La Verdad | June 18, 2018 (Monday) | 4726

Uumpisahan na ng consultative committee na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte upang pag-aralan ang konstitusyon ang pagsasagawa ng mga public consultation sa iba’t-ibang panig ng bansa ngayong araw.

Susuyurin ng Concom ang ilang rehiyon sa buong bansa upang alamin ang pulso at ipaunawa sa publiko ang mga planong pagbabago sa Saligang Batas. Unang bibisitahin ng mga ito ang Dumaguete City.

Pagkatapos ay agad na tutungo ang mga ito sa Baguio City, Tacloban City, Butuan at Legazpi City at iba pang mga lugar.

Matatandaang kabilang sa mga probisyong nais na maidagdag ng concom sa konstistusyon ay ang mga mekasnismo upang mapigilan ang political dynasty.

Pagpigil sa mga pulitiko ng magpalipat-lipat ng partido at ang panukalang pagbabawal sa mga pulitiko na humingi o tumanggap ng campaign contribution mula sa mga religious organization, dayuhan at mula sa iligal na gawain

Sa kaniyang talumpati sa Davao City noong Sabado kaugnay ng Eid’l Fitr celebration, muling sinabi ni Pangulong Duterte na sa oras na maitatag ang federal government, handa na siyang bumaba sa puweso.

Target ng kumite na maisumite sa pangulo ang draft constitution sa ika-9 ng Hulyo ang State of the Nation Address (SONA) nito.

 

( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )

Tags: , ,