Computer system upgrade ng BOC, inaasahang makatutulong upang mapataas ang revenue collection ng kawanihan

by Radyo La Verdad | November 21, 2017 (Tuesday) | 2876

Dalawang daang milyong dolyar ang ipagkakaloob ng World Bank para pondohan ang computer system upgrade ng Bureau of Customs.

Ayon kay BOC Commissioner Isidro Lapeña, kinakailangan ang improvement ng computer system ng kawanihan na makakaabot sa global standard.

Naniniwala si Commissioner Lapeña na sa pamamagitan ng proyektong ito ay matutulungang maalis ang kurapsyon sa BOC at mapapataas pa ang revenue collection.

Samantala, ipinagmalaki rin ni Lapeña ang revenue collection ng kawanihan ngayong buwang ito na umabot sa 42 billion pesos.

Dagdag pa nito na ito ang pinakamataas na monthly collection sa kasaysayan ng BOC.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,