Ang lungsod ng Davao ang itinuturing na pangunahing modelo sa pagsusulong ng smoke-free Philippines.
Kinilala ang lungsod ng World Health Organization dahil sa epektibong pagpapatupad ng pagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar
Sa ilalim ng Comprehensive Anti-Smoking Ordinance ng Davao mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga matatang lugar, sa loob man o labas ng mga establishimento at mga sasakyan.
Ayon sa mga Dabawenyo malaki ang naitutulong sa kanila ng ordinansa lalo na sa kanilang mga kalusugan.
Ang sinomang mahuhuling lumalabag sa ordinansa ay pagmumultahin sa unang opensa ng isang libong piso o kaya ay isang buwang pagkakakulong;
2500 pesos naman o dalawang buwang pagkakabilanggo sa ikalawang paglabag at limang libong piso o apat na buwan na pagkakakulong sa ikatlong paglabag.
Tags: Comprehensive Anti-Smoking Ordinance ng Davao, mga Dabawenyo