METRO MANILA – Maaari nang ipagbigay-alam ng publiko sa pamahalaan ang kanilang mga reklamo, hiling at iba pang concern laban sa mga kawani at opisyal ng pamahalaan sa pamamagitan ng complaint textline 8-8-8-8.
Kailangan lamang i-text ang detalye sa numerong 8-8-8-8.
Libre ang pagte-text sa hotline gamit ang anumang network upang maipaabot ng mga mamamayan ang kanilang concern at reklamo sa mga tiwaling government officials at employees gayundin ang incompetent na paghahatid ng serbisyo ng mga tanggapan ng pamahalaan.
Inilunsad ito sa pamamagitan ng pagtutulungan ng office of the president at globe.
Karagdagan itong platform sa 888 citizens’ complaint center.
Nagbabala naman si presidential spokesperson harry roque sa mga tiwali, tamad at incompetent na tauhan ng gobyerno dahil isang text lang at maaari na silang maireklamo.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: 8888, Complaint Textline