Commuter group at UV Express operator, hiniling sa Korte na payagan muling makabaybay sa EDSA ang mga UV Express

by Radyo La Verdad | August 8, 2016 (Monday) | 1214

mon_petion
Naghain ng petisyon ang Stop and Go Coalition at National Center for Commuters Safety and Protection sa Quezon City Regional Trial Court upang hilingin na pigilin nito ang kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na ipagbawal ang mga UV Express sa EDSA.

Ayon sa commuter group, malaking abala sa mga pasahero ang naging kautusan ng LTFRB dahil naglalakad pa ng malayo ang mga ito dahil hindi sila ibinababa sa edsa ng mga UV Express.

Kinuwestyon naman ng mga UV Express operator ang LTFRB dahil mayroong prangkisa na ibinigay sa kanila na makadaan sa EDSA, katunayan nito ay may mga terminal ng UV Express sa gilid mismo ng naturang lansangan.

Nanindigan naman ang LTFRB sa kanilang desisyon at sinabing ipahuhuli ang lahat ng mga UV Express na mahuhuling dumadaan sa EDSA.

Tags: , , , ,