METRO MANILA – Marami nang samples mula sa mga COVID-19 positives ang isinailalim sa genome sequencing sa nakalipas na 2 buwan ayon kay Philippine Genome Center (PGC) Executive Director Cynthia Saloma.
Ayon Kay Dr Saloma, batay sa mga resulta, may community transmission na ng Delta variant sa bansa noon pa lang Hunyo at Hulyo.
Ibig sabihin ng community transmission, hindi na magkakaugnay ang mga naitatalang kaso ng Delta variant sa bansa o hindi na iisa lamang ang source o pinagmulan nito.
Kontra ito sa ilang ulit nang pahayag ng Department Of Health na wala pang community transmission ng Delta sa Pilipinas.
Ngunit ayon sa DOH, ipinagpalagay na nilang may community transmission ng Delta variant sa bansa kaya naman lalong pinaigting ang COVID-19 response.
“Base po dun sa mga nakukuha nating samples and the results coming from the Philippine Genome Center mukhang iyan po talaga iyong pinapakita na noh that the community transmission is there but as i always say mula pa naman po nong umpisa we.. already as a community transmission iyon na po iyong mga aksyon na ginagawa natin.” ani ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.
Ayon pa sa kagawaran, may mga ikonokonsidera pa sila bago ito tuluyang ideklara sa bansa.
“Kailangan lang natin ng enough evidence we can officially declare but definitely government has already pursued actions when it comes to this transmission levels sa ating bansa at talagang iyon na po ang naging aksyon natin mula po nung umpisa.” ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.
Aminado rin ang DOH na kaya patuloy na pagtaas ng kaso sa Pilipinas ay dahil sa Delta variant”
As of Aug 12, mayroong 807 na Delta variant cases sa bansa. Noong Biyernes naitala ang pinakamataas na COVID-19 cases sa loob ng isang araw, umabot ito sa 17, 231
Magkasunod namang araw nitong weeekend naitala ang mahigit labing anim na libong bagong COVID-19 infections sa Pilipinas .
Paalala ng DOH sa publiko, nagluwag man ng bahagya sa mga lugar na mataas ang kaso gaya ng ncr, hindi pa rin dapat pakampante ang publiko dahil patuloy ang mabilis na hawaan dahil sa COVID-19 Delta variant
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: COVID-19 Delta Variant