Community quarantine para sa buwan ng Mayo, iaanunsyo ng Pangulo bukas (April 28)

by Erika Endraca | April 27, 2021 (Tuesday) | 16359

METRO MANILA – Titimbanging mabuti ni pangulong rodrigo duterte ang bawat konsiderasyon sa pagpapasya kung anong community qurantine classification ang iiral para sa buwan ng mayo.

“Baka po si presidente na ang mag-anunsyo dahil ang talk to the people po ay sa Wednesday.” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kabilang na dito ang daily attack rate, 2-week attack rate and ang health care utilization.

Titiyakin din ng pamahalaang hindi masasayang ang nakuhang pakinabang sa higit isang buwang pagpapatupad ng istriktong community quarantine sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Bulacan, at Rizal.

“Mayroon tayong mga assessment na dapat gawin, at itong mga assessment na ito ay kinakailangang magbigay ng kasagutan ang mga local na pamahalaan para maseguro namang hindi rin masayang yung ating halos isang buwang lockdown”ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Kinakailangan namang magkaroon ng pagrepaso kung naipatupad na ng epektibo ng mga lokal na pamahalaan ang mga kinakailangang istratehiya kabilang na ang pagpapatupad ng health protocols upang mapababa ang kaso lalo na sa NCR Plus areas.

Subalit naniniwala ang palasyo na gumana naman ginawang pagpapatupad ng enhanced community quarantine at modified ECQ sa greater Manila area.

Batay sa datos ng gobyerno, as of April 21, nasa 0.91 na ang reproduction number o ang bilis ng hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , ,