Community Mobilization Program ng PRO4A, ibibida sa pagdating ni Pres. Duterte sa Calabarzon Region

by Radyo La Verdad | September 19, 2017 (Tuesday) | 3614

Pinaghahandaan na ng PNP Region 4A ang nakatakdang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Calabarzon sa Oktubre.

Ayon kay PNP Regional Director Police Chief Supt. Ma. O Aplasca, nais ng Pangulo na siya ang  manguna sa paglulunsad ng kanilang community mobilization project.

Ang community mobilization project ng PRO4A ay naglalayong maibalik ang katahimikan at kaayusan sa bawat komunidad.

Sa ilalim ng proyekto, hinihikayat din nito ang mga barangay na  isumbong ang mga pulis sa kanilang lugar na bigong aksyunan ang mga krimen at kasama sa mga iligal na gawain.

Samantala, kabilang ang himpilan ng UNTV sa mga binigyan ng pagkilala ng PRO4A sa flag ceremony kanina dahil sa naging kontribusyon nito sa pagtulong sa kampaniya ng PNP laban sa iligal na droga at krimen.

Binigyan din ng pagkilala ang Bacoor City at Carmona Cavite at ilang barangay officials.

 

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: , ,