Committee report sa mga isyu sa MRT-3, inihahanda na ng Senado

by Radyo La Verdad | February 3, 2016 (Wednesday) | 3405

senate-generic
Inihahanda na rin ng Senado ang committee report kaugnay naman sa mga isyu sa Metro Rail Transit o MRT-3.

Ayon kay Sen. Grace Poe, ngayong araw ng Miyerkules ay papapirmahan na ito sa mga miyembro ng Senate Sub- Committee on Public Services.

Dito ilalagay ang mga rekomendasyon ng bawat miyembro ng komite sa nasabing report.

Hindi naman sinabi kung may liability ba si DOTC Secretary Jun Abaya sa nasabing mga problema.

Ngunit naniniwala ang Senado na hindi lamang ang kalihim ang responsable sa mga problemang kinakaharap ng MRT-3.

Tags: , , ,