May pagtatangka na pagtakpan ang pagkasawi ng hazing victim na si Horacio Atio Castillo III, ito ang nilalaman ng committee report na isinumite kahapon ni Senator Panfilo Lacson kaugnay ng mga isinagawang imbestigasyon sa pagkasawi ng UST student noong September 2017.
Ilang pangyayari aniya ang magpapatunay na nais pagtakpan ng Aegis Juris Fraternity members ang krimen.
Nakitaan rin umano ang pagkukulang ng pamunuan ng UST sa pagpapatupad ng anti-hazing law. Hindi rin tinanggap ng komite ang paliwanag ni UST Faculty of Civil Law Dean Nilo Divina sa nangyari.
Hiniling din ng komite sa Korte Suprema na magsagawa ng disbarment proceedings laban kay Divina. Kabilang din sa mga nais pabawian ng lisensya bilang abogado ang 18 pang iba pa na sangkot sa umano’y cover-up.
Ilang amiyenda rin sa anti-hazing law ang ipinahayag ng komite, tulad ng pagpapalawig ng sakop ng terminong hazing at pagpapanagot sa mga taong nakakaalam sa nangyayari kahit walang direktang partisipasyon sa initiation rites.
Welcome development naman para sa pamilya castillo ang hakbang na ito ng senado.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )