Tinapos na ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang pagdinig sa kaso ng pagpaslang kay Albuera Mayor Rolando Espinosa Senior.
Isang executive session ang isinagawa ng komite kahapon kasama ang mga kinatawan ng National Bureau of Investigation at Philippine National Police upang klaruhin ang ilang sensitibong impormasyon.
Ayon kay Committee Chairman Senator Panfilo Lacson, kung pagbabatayan ang mga nakuha nilang impormasyon ay malaki ang posibilidad na rub-out o premeditated ang nangyari gaya ng report ng NBI.
Sa ngayon ay inihahanda na nila ang committee report matapos ang serye ng mga pagdinig at sisikaping mailabas sa darating na Enero.
Tags: Committee report sa Espinosa slay probe ng Senado, sisikaping mailabas sa Enero