Committee report sa BBL, naisumite na ngayong araw

by Radyo La Verdad | August 10, 2015 (Monday) | 1223

BBL
Sisimulan na sa Myerkules ni Senador Ferdinand Marcos Junior, Chairman ng Committee on Local Government na isponsoran ang Committe Report sa panukalang Bangsamoro Basic Law matapos itong maisumite.

Hindi na BBL ang title kundi Basic Law of the Bangsamoro Autonomous Region

Ayon kay Senador Marcos asahang may mga inamyendahang probisyon sa original version ng draft BBL.

Layon nitong gawing inclusive ang bill sa lahat ng sektor.

Bukas si Marcos na pakinggan ang mga individual amendment ng mga senador na sasalang sa period of interpellation.

Hindi matitiyak ni Marcos na maipapasa ang BBL sa Senado batay sa itinakdang deadline na Oktubre

Sakaling di ito makapasa ay maari naman itong i-refile sa susunod na administrasyon

Ngunit pagtiyak ng senador ay hindi na uuliting muli ang mga committee hearing ukol sa panukala at gagamitin pa rin ang findings na kanilang nakalap at isinumite.

Sa Substitute bill ng komite, binibigyan nito ng proteksyon ang aabot sa 26 thousand na public servant na maaapektuhan o maaalis sa serbisyon sa abolisyon ng ARMM.

Sinabi ng senador na dapat matiyak na ang mga civil servant na nabanggit ay magarantiyahan ng mga probisyon na nakasaad sa Civil Service Code

Kabilang na rito ang security of tenure at length of service.

Ngunit marami pang dadaanan ang BBL ayon kay Marcos. (Bryan de Paz/ UNTV News)

Tags: