Nagsimula na ang Commission on Human Rights na mag-imbestiga sa mga napapaulat na karahasan laban sa mga Lumad at pamamaslang sa mga community leader sa Mindanao.
Dalawang araw ang inilaan ng CHR para sa public inquiry sa Davao city tungkol sa sitwasyon ng mga Lumad doon.
Pangungunahan ito ng dalawang CHR commissioner na sina Leah Tanodra-Armamento at Roberto Cadiz.
Kasabay nito ang imbestigasyon ng CHR regional office sa mga umano’y paglabag sa mga karapatang pantao laban sa mga indigenous people sa Mindanao.
Ayon sa CHR chairperson Chito Gascon, layon ng inquiry na matukoy ang ugat ng mga napaulat na pang-aabuso at ang tunay na kalagayan ng mga indigenous community.(Rosalie Coz/UNTV Correspondent)