Commission on Human Rights nagsasagwa na ng motu propio investigation sa pagkamatay ni Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog Sr.

by Radyo La Verdad | July 31, 2017 (Monday) | 2142


Inaalam na ngayon ng Commission on Human Rights kung mayroon nilabag na karapatang pantao ang Philippine National Police sa pagkakamatay ni Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog at labing apat na iba pa.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty Jackie Deguia iniimbestigahan nilang ngayon kung valid ang hawak na search warrant ng mga pulis at kung may basehan na isagawa ang operasyon sa madaling araw.

Tiniyak nila na maglalabas sila ng resulta ng imbresigasyon sa lalong madaling panahon.

Kinuwestiyon naman ni Madgalo partylist Rep. Gary Alejano ang operasyon ng PNP.

Naniniwala siyang may responsibilidad ang Pangulo sa insidete dahil noon pa man ay bukang bibig na nito na dapat patayin ang
mga drug personalities.

Maituturing umanong massacre ang pagkamatay ni Parojinog at sa mga kasama nito. Itinanggi naman ng Malakanyang ang paratang na ito.

Ayon sa palasyo, tanging general instructions lamang kaugnay sa paglansag ng illegal drugs groups at mga sangkot dito ang ibinigay ng pangulo sa mga pulis.

Hindi na rin anila kailangang magpadala pa ng sulat ang Commission on Human Rights kay Pang. Duterte para sa imbestigasyon sa mga pulis na kasama sa operasyon.
Si Parojinog na ang pangatlong alkaldeng nasawi sa war on drugs ng pamahalaan na umanoy mga protektor ng illegal na droga sa kanilang lugar.

Nasawi rin sa anti illegal drugs operation ng PNP noong nakaraang taon sina Datu Saudi Ampatuan Municipal Mayor Samsudin Dimaukom at Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: , ,