Commercial Seaplanes, inaasahang palalakasin ang Tourism Industry ng Pangasinan

by Radyo La Verdad | November 24, 2023 (Friday) | 2780

Umaasa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan na palalakasin ng Commercial Seaplanes ang turismo ng probinsya.

Sa pamamagitan nito mababawasan ang mahigit 3 oras na byahe ng mga turista at mga pasahero mula Manila patungong Lingayen at ito ay magiging 1 oras na lamang.

Ayon kay Gov. Ramon B. Guico III, na isa ring piloto, may kapasidad ang seaplane na maglulan ng mahigit 10 pasahero para sa isang mabilis na paglalakbay.

Isang sasakyang panghimpapawid at pandagat ang seaplane na inaasahang babyahe mula Manila Bay patungong Lingayen, The Hundred Islands at iba pang baybaying destinasyon ng probinsya.

Nitong Linggo, November 19 ay nasubukan na ang unang paglalakbay ng seaplane na Airtrav RP-C1208 mula Binalonan hanggang Limahong Channel.

Bumyahe rin ito mula Lingayen sakay ang first family ng probinsya-Gov. Ramon V. Guico III at ang ama nitong si 5th District Cong. Ramon Guico Jr. patungong Alaminos City at Bolinao kasama si 1st District Congressman Arthur Celeste.

(Andrei Canales | La Verdad Correspondent)

Tags: ,