Hindi pa natatanggap ng Commission on Elections ang kopya ng isinampang petisyon ni dating Metropolitan Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino sa Supreme Court na humihiling na ipatigil muna ang pagproklama sa ika-sampu hanggang labingdalawang nangungunang senatoriable.
Ayon sa kampo ni Tolentino, posible umanong nagkaroon ng data manipulation nang buksan ng Smartmatic project manager na si Marlon Garcia ang transparency server upang palitan ang script o program.
Sinabi naman ni COMELEC Chairman Andres Bautista na kung maglalabas ng kautusan ang SC ay susundin nila ito.
Gayunman, sakaling mabigo si Tolentino na makakuha ng Temporary Restraining Order ay itutuloy nila ang proclamation sa labingdalawang nanalong senador mamayang hapon.
Tags: COMELEC, kopya ng petisyon, Tolentino