COMELEC: Voters’ registration para sa 2018 brgy at SK elections, nagtapos na kahapon

by Radyo La Verdad | December 1, 2017 (Friday) | 7021

Batay sa record ng Commission on Elections, umabot sa halos limang daang libong botante ang nakapagparehistro mula Nov. 6 hanggang Nov. 25, 2017 para sa 2018 brgy at Sangguniang Kabataan elections.

Positibo ang COMELEC na maaabot nila ang kanilang target na tinatayang 500,000 brgy. at 350,000 SK applicants

Kahapon, maaga palang ay mahaba na ang pila sa COMELEC Office sa Manila City Hall.

Karamihan sa mga ito, mga estudyante na sinamantala ang holiday at walang pasok upang makahabol sa deadline ngayong araw ng pagpaparehistro para sa 2018 brgy. at Sangguniang Kabataan elections.

Sa haba ng pila, inukupa na ng mga ito ang isang lane ng Lions Road sa Ermita, Maynila. Hindi pa man nag bubukas ang opisina, marami na ang matyagang pumila.

Sa kabila ng mahabang pila, ikinatuwa naman ng mga ito ang maayos at mabilis na sistema na ipinatutupad ng COMELEC.

Pero kung mayroon mang naging matagumpay na nakapag parehistro, meron namang hindi dahil kulang sa hinihinging requirements.

Muli namang iginiit ng Comission on Elections na wala ng magiging extension para sa pagpaparehistro.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,