COMELEC, umaasa sa patas at malinis na eleksyon dahil sa improved features ng bagong Vote Counting Machines sa Baguio City

by Radyo La Verdad | March 1, 2016 (Tuesday) | 1804

BRADLEY_COMELEC
Umaasa ang COMELEC Cordillera sa patas at malinis na resulta ng isasagawang national at local elections gamit ang mga bagong Vote Counting Machine o VCM na may mas pinagandang mga feature.

Naging mas malaki ang memory capacity ng storage nito at gumamit na rin sila ng Secure Digital o SD card sa halip na Compact Flash o CF card.

Magkakaroon din ng 2 memory card kada VCM para sa automatic backups.

Ang VCM ay dinensenyo din na mas malapad ang lcd upang masundan ng maayos ng mga botante ang mga instructions. Mayroon ding headset para sa mga visually impaired voters.

Bawat VCM ay maaari lamang magproseso ng mga balota mula sa mga botanteng registrado at may biometrics sa bawat nakatalagang presinto.

Ibig sabihin, hindi na tatanggapin ng VCM ang balota na galing sa ibang presinto

Hindi rin tatanggaping ng vcm ang mga balota na nauna nang na i-scan ng makina

Nagsagawa narin ang COMELEC ng training at actual demonstrations para sa mga guro na tatayo bilang Board of Election Inspectors o B-E-I sa May 2016 elections

Samantala binabantayang muli ng COMELEC at otoridad ang probinsya ng Abra dahil sa mga political rivalry.

Payo naman ng COMELEC Cordillera na iwasang madumihan, mapunit o masira ang barcode ng mga balota upang huwag masayang ang mga boto.

(Bradley Robuza / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , , ,