Comelec tuloy-tuloy pa rin sa paghahanda para sa BSKE

by Radyo La Verdad | September 2, 2022 (Friday) | 26428

METRO MANILA – Tuloy-tuloy pa rin sa paghahanda ang Commission on Elections (Comelec) para sa Baranggay at Sangguniang Kabataan (SK) elections ngayong taon.

Ayon sa Comelec nasa 80% na ang ginagawa nilang paghahanda kaugnay sa 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ito ay sa kabila ng mga panukala na muli na naman itong ipagpaliban.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, kapag ipinostpone ang halalan ay aabot sa P17-B ang kailangan nilang pondo.

At, kung sa December 2023 naman ito isaasgawa ay aabot na sa P18-B mula sa orihinal na budget na P8.4 -B.

Kasama sa pagkakagastusan ng karagdagang pondo ay ang pagbubukas muli ng voter registration.

Dagdag pa ni Garcia, hangga’t wala pang batas upang ipagpapaliban ang halalan sa barangay at SK ay tuloy-tuloy lamang sila sa paghahanda.

“Kahapon po isinumite natin sa kagalanggalang na Kongreso sa House of Representative at saka sa senado yong computation paano kami nag-arrive sa 17 billion at saka sa 18 billion kung mayo at saka Disyembre ang ating pong halalan.” ani Comelec Chairman George Erwin Garcia.

Tags: ,