Comelec, tiwala sa kakayahan ng bagong talagang Chairman at Commissioners Poll Body

by Radyo La Verdad | March 9, 2022 (Wednesday) | 5987

METRO MANILA – Nanumpa na kahapon (March 8) ang bagong chairman ng Commission on Elections (Comelec) na si Saidamen Pangarungan at si Atty. George Erwin Garcia bilang bagong commissioner ng Comelec.

Kasama rin sa itinalagang commissioner ng pangulo si dating DSWD Undersecretary Aimee Neri.

Ikinatuwa naman ng Comelec ang pagtatalaga sa mga bagong opisyal dahil mapapabilis na ang disposition o pagresolba sa mga kasong nakabinbin sa komisyon.

“We are full of confident that the new appointees will acquit themselves very well, again bitbit nila ang napakaraming expertise at knowledge patungkol sa elections at election management and we feel that they are great additions to the commission En Banc and we are looking forward to be working with them.” ani Comelec Spokesperson, Dir. James Jimenez.

Pero ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, dahil naka-break ngayon ang Kongreso, hindi kaagad makumpirma ang kanilang appointment. Maghihintay pa sila na pagkatapos ng halalan.

Samantala, nanawagan naman ang Comelec partikular sa mga kritiko ng mga bagong opisyal na hayaan munang magtrabaho ang mga ito at patunayan ang kanilang pagiging patas.

“Doon sa batikos sa kanilang pagkaka appoint, alam mo hindi pa sila pinapangalanan alam na natin babatikusin yong bagong appointee simply ang nag appoint sa kanila ay ang pangulo natin si Pangulong Duterte. As always sasabihin natin is we have to give each individual commissioner the opportunity to prove themselves impartial and neutral in exercise of their duties.” ani Comelec Spokesperson, Dir. James Jimenez.

Isa sa mga binatikos ay ang pagtalaga kay Atty. Garcia dahil naging abogado umano siya ni Presidential Candidate Ferdinand Marcos, Jr. at iba pang kilalang politiko tulad ni Grace Poe.

Nilinaw naman nito na hindi siya sasama o mag-iinhibit sya sa pagdesisyon kapag may kaso sa Comelec na ang respondent o sangkot ay dati niyang kliyente.

(Dante Amento | UNTV News)

Tags: , ,