COMELEC, tiniyak na may sapat pang panahon upang maghanda para sa Brgy. at SK polls sa Oktubre

by Radyo La Verdad | July 28, 2017 (Friday) | 2653


57 million ballots ang kailangang maipa-imprenta ng COMELEC para sa barangay elections habang 21 million ballots naman sa sangguniang kabataan polls. Ngunit sa ngayon ay hindi pa nila ito nauumpisahan.

Ayon naman kay COMELEC chairman Andres Bautista, may sapat pa silang panahon upang maghanda bago ang halalan sa Oktubre.

Sa susunod na linggo pag- uusapan pa ng komisyon kung kailan talaga dapat magsimula ang ballot printing.

Umaapela rin ang komisyon sa Kongreso na sana’y mapagpasyahan na ang panukala sa muling pagpapaliban sa brgy at sk elections.

Tinatayang 6 billion pesos ang nakalaang pondo ng COMELEC para rito.
Samantala, bukas naman ang comelec sa ideyang huwag munang ituloy ang halalan sa mga lugar na apektado pa rin ng Armed Conflict sa Mindanao partikular sa Marawi City.

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: , ,