COMELEC, tiniyak na hindi magkakaroon ng conflict sa preparasyon sa Barangay at National Elections sa 2022

by Erika Endraca | December 24, 2019 (Tuesday) | 56365

METRO MANILA – Nakatuon ang pansin ngayon ng Commission On Elections (COMELEC) sa mga dapat ihanda sa 2022 elections dahil naipagpaliban na ang Barangay at SK elections na dapat ay sa susunod na taon isasagawa.

Sasabay ito sa 2022 kung saan isasagawa rin ang National and Local Elections. Nguni’t tiniyak naman ni COMELEC Spokesman Dir James Jimenez na hindi ito magkakaroon ng conflict kahit magkasabay man ang 2 halalan sa 2022. Nangyari na aniya ito taong 2016 kaya naman hindi sila bagito pagdating sa ganoong preparasyon

“In fact dati mas madikit pa may iyong national elections tapos October iyong ARMM elections. So ngayon actually mas maluwag, December. Pangalawa iyong preparation sa December 2022 nagawa na natin ngayon because we were expecting the elections this year. So we’ve done everything. We’ve basically started procurement processes remember manual elections iyan also so it takes a little easier to prepare for”ani COMELEC Spokesman, Dir James Jimenez.

Aminado rin naman ang COMELEC Na may mga aberya nang nagdaang 2019 midterm polls. Kaya naman hindi aniya sila magiging kampante lang sa pagpili ng mga supplier ng mga gamit sa halalan kahit ito pa ang lowest bidder sa isasagawang procurement process

Ayon pa kay Dir Jimenez, kailangan nilang busisiin ang mga supplier upang matiyak na hindi na muling magka- aberya. Handa rin aniya ang comelec sa anomang plano upang maagapan ang anomang posibleng aberya sa halalan.

“At this point wala tayong mapipigilang kahit sino na mahg- participate sa bidding but certainly we hope that more players will cometo the fore. Napakahalaga ng kompetsiyon as you know and in this sa electoral system, mahalaga rin siyempre na may wide range of choice tayo” ani COMELEC Spokesman, Dir James Jimenez.

Maglalabas din aniya ang COMELEC ng schedule upang maging gabay ng mga interesadong kumandidato sa 2022 Barangay at National Elections. Tiwala naman ang Comelec na mas wais na ngayon ang publiko pagdating sa pagpili ng mga kandidatong kanilang iboboto sa mga darating na halalan sa bansa.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,