COMELEC tiniyak ang kahandaan sakaling mawalan ng kuryente sa ilang lugar sa araw ng halalan

by Radyo La Verdad | November 19, 2015 (Thursday) | 1356

COMELEC
Handa ang Commission on Elections sakaling mawalan ng kuryente ang ilang lugar ng bansa sa mismong araw ng halalan.

Kasunod ito ng nangyaring pagpapasabog sa mga transmission towers ng National Grid Corporation sa Mindanao.

Ayon sa Comelec kahit walang kuryente may back up batteries naman ang mga vote counting machines na tatagal ng buong maghapon.

Samantala isang public consultation naman ang isasagawa ng Comelec kaugnay sa mall voting.

Imbitado ang mga interesadong partido sa tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Maynila sa November 27 ng alas dies ng umaga.

Nais ng poll body na makuha ang pulso ng publiko kaugnay sa planong ito.(Victor Cosare/UNTV Correspondent)

Tags: , ,