Comelec, tinawagan ng pansin ni Pres. Duterte ukol sa COVID-19 health protocol sa campaign rallies

by Radyo La Verdad | December 14, 2021 (Tuesday) | 9194

METRO MANILA – Muling nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko sa posibleng pagkalat ng COVID-19 kung hindi magiingat ang publiko sa pagdalo sa mga pagtitipon na maaaring magsilbing super spreader event.

Ayon kay Pangulong Duterte dapat tiyakin ng Commission on Elections na nasusunod ang health protocols sa mga political rally.

“Your are the one running the show, would you just issue a , maintain lang yung social distancing, di na kung gaano karami, punuuin mo yung luneta as long as you maintain the regulations impose by the government kasi mahirap ito kung magbalik,it might come back with vengeance” ani Pres. Rodrigo Duterte.

Nagpaalala rin ang pangulo sa mga taong dumadalo sa mga pagtitipon ng mga pulitikong tumatakbo sa darating na halalan.

“I’m implore everone participating in large gathering whether political or not to continue exercising utmost caution and prudence in the conduct of your exercises remember we are still in the pandemic situation and any large gathering trigger a super spreader event” ani Pres. Rodrigo Duterte.

Sa panig naman ng pamahalaan, tiniyak ni Pangulong Duterte na magiging mapayapa ang darating na halalan.

“But we will see to it that there will be no terrorism, vote buying and intimidation and everything that would put the hindrance to an honest election” ani Pres. Rodrigo Duterte.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: