COMELEC, PNP at Phil Army maagang paghahandaan ang 2016 national election

by Radyo La Verdad | November 9, 2015 (Monday) | 1347

GERRY_PAGHAHANDA
Pinaghahandaan na ng Commission on Election, Philippine Army at Philippine National Police sa lalawigan ng Masbate ang nalalapit na 2016 national elections.

Maagang nagsagawa ang mga ito ng provincial joint security coordinating center meeting sa Camp Bonny Serrano, Masbate nitong Sabado.

Inilatag sa ginawang pagpupulong ang ipatutupad na seguridad at mga programa upang mabawasan ang election related incidents sa lalawigan.

Batay sa ulat ng PNP, dalawamput siyam na election related incident ang naitala mula 2007 hanggang 2013.

Ang bayan ng Aroroy at Dimasalang ay nasa ilalim ng category 1 election hotspot dahil sa umiiral na matinding political rivalry.

Labingpito bayan naman ang inilagay sa category 2 o mga lugar na mayroong malakas na presensya ang mga armdong grupo tulad ng CPP-NPA at iba pang private armed groups.

Ayon sa COMELEC, oobligahin nila ang mga kandidato sa bawat munisipalidad na magkaroon ng peace covenant upang maging mapayapa ang gaganaping halaan.

Isang libong pulis at isang battallion ng mga sundalo ang idedeploy ng pnp at afp bilang karagdagang pwersa sa mga magsasagawa ng checkpoint sa buong lalawigan.(Gerry Galicia/UNTV Correspondent)

Tags: , , ,