COMELEC planong gawing election offense ang paghahain ng walang basehang reklamo sa araw ng halalan

by Radyo La Verdad | April 7, 2016 (Thursday) | 1181

COMELEC-CHAIRMAN-ANDRES-BAUTISTA
Hindi pa rin natatapos ng Commission on Elections ang ammended general instructions para sa darating na halalan dahil hindi pa nareresolba ang ilang isyu sa pag iimprenta ng voter’s receipt.

Kabilang dito ang kung kanino i-aatang ang pagputol ng resibo at kung sino ang magbabantay sa paglalagyan ng voter’s receipt.

Sinabi ng COMELEC na bawal ilabas ng presinto ang resibo at mahaharap sa reklamo ang sinumang gagawa nito.

Bukod sa pagpupuslit ng voter’s receipt binabalak din ng COMELEC na gawing election offense ang paghahain ng frivolous o walang basehang mga reklamo sa araw ng halalan.

Ayon sa poll body sakaling hindi tugma ang nakasaad sa resibo sa ibinoto ng isang botante maaring siyang magreklamo sa BEI at ilalagay ito sa log book pero hindi mareresolba sa araw ng halalan.

Isa naman sa pinangangambahan ng COMELEC ay samantalahin ito ng ilan upang guluhin ang proseso ng eleksyon.

Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista may sapat na basehan sa omnibus election code upang ituring na election offense ang pagrereklamo ng walang sapat na basehan.

(Victor Cosare/UNTV NEWS)

Tags: ,