Comelec, pinasasagot na ng Korte Suprema sa mga petisyong humihiling na palawigin ang voters registration

by Radyo La Verdad | November 12, 2015 (Thursday) | 1201

COMELEC-REGISTRATION
Inatasan ng Supreme Court ang Commission on Elections na sumagot o magkomento sa petisyon na naglalayong palawigin pa hanggang sa January 8 ang voters registration.

Sa inilabas na resolusyon ng Korte Suprema, binigyan ng sampung araw ang Comelec upang makapagsumite ng kanilang comment.

Hinihiling ng mga petitioner sa pangunguna ni Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon na ipawalang bisa ang resolusyon ng Comelec na nagtakda ng deadline ng voter registration nitong nakalipas na October 31

Katwiran ng mga petitioner, nakasaad sa Republic Act 8189 o Voters Registration Act of 1996 na dapat tuloy-tuloy ang pagrerehistro ng mga botante at ititigil lamang ito tatlong buwan bago ang halalan

Sa May 9 ng susunod na taon nakatakdang ganapin ang halalan kaya’t ayon sa mga petitioner, dapat pabuksang muli sa Comelec ang voter registration hanggang sa January 8.

Tags: