COMELEC, patuloy ang preparasyon sa sk at brgy elections

by Radyo La Verdad | July 22, 2016 (Friday) | 1309

COMELEC-CHAIRMAN-ANDRES-BAUTISTA
Personal na nag-inspeksyon si COMELEC Chairman Andres Bautista sa pagpapatuloy ng isinasagawang voter’s registration sa isang mall sa Maynila na sakop ng District 3.

Kakaunti lang ang bilang ng nagtungo dito upang magparehistro ngayong araw.

Sa tala ng poll body sa unang anim na araw ng registration period, halos nasa anim na raan at pitumpung libo pa lang ang nagparehistro.

Kaya ang apela ng COMELEC sa publiko, huwag nang hintayin ang June 30 deadline sa pagpaparehistro.

Kasama sa mga maaari ring magparehistro ang mga may edad 15 to 17 upang makaboto sa sk polls.

Samanatala, hindi na kailangan pang magparehistro ng mga nakaboto na noong May 9 elections.

Bagama’t matumal ang dating ng mga nagpaparehistro, sa District 3 ng maynila, araw araw naman silang nakakasalunga ng mga pinaghihinalaang flying voters.

(Victor Cosare / UNTV Correspondent)

Tags: ,