COMELEC, pabor sa rekomendasyong taasan ang honorarium ng mga gurong magsisilbi sa halalan

by Radyo La Verdad | September 10, 2015 (Thursday) | 1314

COMELEC
Pabor ang Commission on Elections sa rekomendasyong taasan ang honorarium na natatanggap ng mga gurong umaaktong board of election inspectors sa halalan.

Isinusulong ng ilang grupo na mula sa 4,500-pesos ay itaas sa walong libong piso ang honoraria ng mga gurong magsisilbi sa halalan

Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista suportado nila ang panukalang taasan ang allowance subalit kailangan nila ang karagdagang pondo para ditto.

Ngayong buwan ay inaasahang sasalang sa budget hearing ang COMELEC at hihiling nito ang karagdagang pondo para sa dagdag allowance ng mga tatayong b-e-i sa darating na eleksyon.

Tinatayang nasa 300,000 guro ang magsisilbi sa halalan sa susunod na taon.

Tags: ,