Comelec, nanindigan na walang mangyayaring postponement sa eleksyon sa 2016

by Radyo La Verdad | April 14, 2015 (Tuesday) | 1070

IMAGE_MAR262015_UNTV-NEWS_COMELEC

Umaasa ang Commission on Election na papanigan ng Korte Suprema ang kanilang argumento at babawiin ang inilabas na Temporary Restraining Order sa kontrata ng Comelec at Smartmatic para sa diagnostics and repair ng mga lumang PCOS Machines na gagamitin sa 2016 elections.

Nakapaghain na ng komento ang Office of the Solicitor General sa reklamong isinampa sa Supreme Court kaugnay sa 268.8 million peso contract na hindi idinaan sa public bidding.

Batay sa petisyon, labag sa batas ang kontrata dahil walang naganap na public bidding.

Subalit kahit apektado ng TRO ang paghahanda ng Comelec sa 2016 elections nanindigan ito na tuloy ang halalan sa May 9 ng susunod na taon.

May inihahanda na ang komisyon ng mga alternatibong hakbang sakaling hindi paboran ng S-C ang kanilang argumento.

Bukas ang Comelec sa mga nais magbigay ng suhestiyon.

Nitong nakaraang Biyernes, iprenisinta ni Dating Comelec Commissioner Gus Lagman ang kaniyang isinusulong na Transparent and Credible Election System.

Subalit umaasa ang Comelec na kung dadating sa punto na kailangan nilang magpasya at isagawa ang isang alternatibong plano sana ay kasama na nila ang bagong Chairman at dalawang bagong Commissioner dahil kasama nila ang mga ito sa pagpapatupad ng halalan sa susunod na taon. (Victor Cosare /UNTV News Senior Correspondent)

Tags: