METRO MANILA – Nagsagawa ng Voting Simulation ang Commission on Election (Comelec) sa 2 villages sa San Juan Elementary School nitong Sabado(October 23).
Ayon kay Comelec Deputy Executive Director for Operations Divine Blas Perez ang 10 a.m to 4 p.m na aktibidad ay sinubukan para sa ibang gagawing proseso para sa May 9, 2022 polls.
Ang mga botante na magpapakita ng sintomas ng COVID-19 ay boboto sa isang isolation precinct.
Ayon sa ulat ni Comelec Deputy Executive Director for Operations Divine Blas Perez nakapagtala hanggang 1:15 p.m ng 376 na bumoto mula sa Brgy Balong at Ermitaño.
Isinagawa ng Comelec ang simulation upang matukoy ang average time frame sa proseso ng pagbebiripika ng pagkakakilanlan ng mga botante at tukuyin ang iba pang mga lugar na concern sa proseso ng beripikasyon para maikonsidera ang minimum health and safety protocols at paggawa ng hakbang sa pag-decongest ng lugar ng botohan at mabilis na makapag-implement ng mga proseso upang mapabilis ang botohan.
(Jeth Bandin | La Verdad Correspondent)