COMELEC, nagpaliwanag sa mga overseas voter tungkol sa pagkabit ng ‘’daang matuwid’’ sa pangalan ng mga LP bet

by Radyo La Verdad | April 13, 2016 (Wednesday) | 1609

AKA
Isang netizen na naninirahan sa Los Angeles ang nagpost sa kanyang facebook page ukol sa pagkakaroon ng nakasulat na “daang matuwid” sa dulo ng pangalan nina Presidentiable Former Sec. Mar Roxas at ni Vice Presidentiable Congressman Leni Robredo sa balota gayong hindi naman ito ang kanilang partido.

Ayon naman sa COMELEC, malayang maglagay ng palayaw ang bawat kandidato sa dulo ng kanilang mga pangalan.

Ngunit dismayado pa rin ang netizens kung kaya’t sa isang post, pinunto na ang “daang matuwid” ay isang slogan at hindi maaring maging palayaw ng kahit na sinoman.

Nakasaad sa Section 261 2 ng Omnibus Election Code na ang direkta o indirektang pag gamit ng government funds upang ikampanya ang isang kandidato ay ipinagbabawal kung kaya’t kinuwestyon ang paggamit ng slogan sa balota.

Sa Section 74 ng Omnibus Election Code maari lamang gamitin ng isang kandidato ang kanyang palayaw o pangalan kung saan sya kilala ng lipunan.

Ngunit ayon sa COMELEC.

“Then everyone who has a nickname on the ballot will then be accused of campaigning on election day, again, that’s ridiculous.”
Pahayag ni COMELEC Spokesperson James Jimenez

Mariin ang direktiba ng COMELEC na ipinagbabawal ang pangangampanya sa loob ng polling stations, ipinagbabawal pa nito ang pagsusuot ng shirts na nag eendorso ng kahit na sinong kandidato.

Kung kaya’t ipinagtataka ang pagkakaroon ng slogan sa mismong balota.

Dahil rito, hinikayat na lamang ni Former Davao City Councilor at PDP-LABAN Spokesperson Peter Laviña ang mga Pilipinong nasa ibang bansa na patuloy na maging mapagmatyag at konsolidahin ang mga pangyayari sa kanilang pagboto upang ma-address ang mga issue sa tamang forum.

(Joeie Domingo/UNTV NEWS)

Tags: ,